📖 Bible Verse:
"Before I formed you in the womb I knew you." – Jeremiah 1:5
“Bago kita inanyuan sa sinapupunan ng iyong ina, kilala na kita.”
🔎 Real-Life Practice:
Minsan pakiramdam mo na parang hindi ka sapat o hindi ka mahalaga. Pero tandaan mo, bago ka pa man ipanganak, kilala ka na ng Diyos. Alam Niya ang laman ng puso mo, ang mga pangarap mo, pati ang mga bagay na nagpapabigat sa’yo.
Hindi ka aksidenteng nabuhay lang. May layunin ang buhay mo kaya may plano ang Diyos para sa’yo.
💡 Practical Steps:
📔 Isulat sa journal ang mga bagay na nagpapasalamat ka at mga bagay na nagpapasaya sa’yo, kahit maliit lang. Ito ang paalala na may halaga ang buhay mo.
📖 Magbasa ng mga Bible verse na nagpapaalala ng iyong worth kay God — gaya ng Psalm 139:14, Isaiah 49:16, at Jeremiah 1:5.
💬 Iwasan ang self-doubt — Sa halip, ipagdasal mo na makita mo ang sarili mo sa mata ng Diyos.
🌱 Araw-araw kang nagdarasal:
“Panginoon, salamat po dahil kilala n’yo na ako bago pa man ako ipinanganak. Tulungan mo akong tanggapin ang sarili ko at itiwala ang buhay ko sa plano mo.”
Comments
Post a Comment