Kahulugan ng Kayo’y Ilaw ng Sanlibutan – Mateo 5:14 Tagalog Devotional

 


📖 Bible Verse:

"You are the light of the world. A city set on a hill cannot be hidden." – Matthew 5:14

Kayo’y ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nasa ibabaw ng burol ay hindi maitatago.

🌟 Totoong Buhay na Pagninilay:

Gusto ng Diyos na maging ilaw ka ng mundo — sa bahay, sa trabaho, sa eskwela, o kahit sa social media. Tandaan mo lang na kapag mabait, totoo, at may tiwala sa Diyos, napapansin ‘yan ng ibang tao.

Kahit pakiramdam mo ay simple ka lang o tahimik, may mahalagang papel ka sa mundo. Dba nga ang ilaw, kahit maliit, ay nakikita kaagad sa dilim.

💡 Mga Simpleng Gagawin:

📔 Gumawa ng “Liwanag Journal” — Isulat araw-araw ang isang bagay na ginawa mong mabuti, kahit maliit lang. Halimbawa: ngumiti sa iba, tumulong, o nagdasal para sa kaibigan.

📖 Magbasa ng isang Bible verse araw-araw na tungkol sa ilaw at kabutihan — gaya ng Matthew 5:14–16 o Philippians 2:15.

💬 Gamitin ang social media sa mabuting paraan — Mag-share ng Bible verse, panalangin, o simpleng paalala ng pag-asa sa ibang tao.

🌱 Araw-araw kang nagdarasal:

“Panginoon, salamat po dahil may layunin ka sa buhay ko. Gawin mo po akong ilaw, gabay ng ibang tao. Kahit sa simpleng paraan lang, gamitin mo ako para makita nila ang kabutihan mo.”

Comments